Darating ngayong araw sa bansa ang bagong Papal Nuncio sa Pilipinas na si Archbishop Edward Joseph Adams. Si Adams, 63, ang itinalaga ni Pope Benedict XVI kapalit ni Archbishop Fernando Filoni. Siya ang magiging pang-15 sa hanay ng mga Apostolic Delegates at Apostolic Nuncios sa Pilipinas.
“As I prepare to come to the Philippines, my only wish is that I may be of service to the Church, as I seek to represent worthily among you our Holy Father, whose ministry is essentially one of love,” mensahe ni Adams.
Ayon sa CBCP, ang Apostolic Nunico o Papal Legate ay ikinukonsiderang kinatawan o ambassador of the Holy See sa mga obispo ng Episcopal Conference at mga partikular na simbahan. Magiging pangunahing trabaho nito, alinsunod sa batas ng Simbahan, na patibayin ang bigkis ng pagkakaisa sa pagitan ng Santo Papa at ng mga pinuno ng Estado at mga obispo sa bansang kanyang pinaglilingkuran. (Doris Franche)