^

Bansa

Senado makikialam sa oil price hike

-

Pakikialaman na ng Senado ang walang hum­pay na pagtaas ng presyo ng gasolina kung saan nakatakdang kumbidahin ng Senate Committee on Trade and Commerce ang mga opisyal ng gobyerno para magsagawa ng ka­ukulang hakbang sa pro­blema.

Sa kanyang Senate Resolution 180,, sinabi ni committee chairman Mar Roxas na dapat maging handa ang ating pama­halaan lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng gasolina sa pandaigdigang mer­kado.

“Oil, for better or worse, remains an essential part of our lives, and the government needs to do all it can to ensure that the people are shielded from even more severe economic pressures,  renewed tensions in the Middle East have caused concern over possible disruptions in oil supply,” sabi ni Roxas.

Aniya, hindi ito dapat balewalain dahil sa bawat pagtaas ng LPG at pro­duktong petrolyo ay malaki ang epekto nito sa ating pang-araw araw na gastusin.

Sinabi pa ni Roxas na ang pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar ay dapat mabigyan ng pan­sin kung bakit sa kabila nito ay patuloy pa din ang pagtaas ng presyo ng gasolina. 

Nitong Oktubre 20, umabot  ang  presyo  ng petroleum products sa P42.45 bawat litro, P36.95/L sa diesel, P37.99/L sa  kerosene at P529.14 sa kada 11-kilogram tangke ng LPG, maliban pa sa P5 kada kilo na itinaas ng presyo nito ngayon. (Malou Escudero)

MALOU ESCUDERO

MAR ROXAS

MIDDLE EAST

NITONG OKTUBRE

ROXAS

SENATE COMMITTEE

SENATE RESOLUTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with