Iniutos kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Antonio Villar Jr. na lalong bantayan ang lahat ng mga ports ngayong holidays dahil baka samantalahin ng mga smugglers ang pagkakataong ito upang magpasok ng kanilang mga kontrabando.
Ayon kay Undersecretary Villar, nakatanggap siya ng intelligence report na sasamantalahin ng mga smugglers ang mahabang bakasyon upang mapalusot ang kanilang mga kontrabando sa iba’t ibang daungan sa bansa.
“Definitely the cat will be more vigilant and the mice can’t just simply play. There will be no rest among our operatives. We can’t afford to lower our guards,” wika pa ni Usec. Villar.
Aniya, kung inaakala ng mga smugglers na magiging maluwag ang kanilang ope ratiba ngayong holidays ay nagkakamali sila dahil lalo silang magbabantay dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga imports ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.
Inatasan din ni Villar ang kanyang mga tauhan na bantayan ang mga warehouses bilang pagtalima sa Executive Order 624 lalo sa mga hinihinalang ginagawang prente ang mga legal na imported goods para ikubli ang kanilang smuggling activities.
Sinabi naman ni PASG chief for operations at NBI Deputy Director Edmundo Arugay, 24-oras ang trabaho ng kanyang mga tauhan upang hadlangan ang anumang balakin ng mga smugglers na makapagpalusot ng kanilang mga smuggled goods. (Rudy Andal)