^

Bansa

PASG sa smugglers: Walang holiday

-

Iniutos kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Antonio Villar Jr. na lalong bantayan ang lahat ng mga ports ngayong holidays dahil baka sa­mantalahin ng mga smugglers ang pagkakataong ito upang magpasok ng ka­nilang mga kontrabando.

Ayon kay Undersecre­tary Villar, nakatanggap siya ng intelligence report na sasamantalahin ng mga smugglers ang mahabang bakasyon upang mapalusot ang kanilang mga kontra­bando sa iba’t ibang da­ungan sa bansa.

“Definitely the cat will be more vigilant and the mice can’t just simply play. There will be no rest among our operatives. We can’t afford to lower our guards,” wika pa ni Usec. Villar.

Aniya, kung inaakala ng mga smugglers na magi­ging maluwag ang kanilang ope­ ratiba ngayong holidays ay nagkakamali sila dahil lalo silang magbabantay dahil na rin sa inaasahang pag­dagsa ng mga imports nga­yong nalalapit na ang Ka­paskuhan.

Inatasan din ni Villar ang kanyang mga tauhan na bantayan ang mga warehouses bilang pagtalima sa Executive Order 624 lalo sa mga hinihinalang ginaga­wang prente ang mga legal na imported goods para ikubli ang kanilang smuggling activities.

Sinabi naman ni PASG chief for operations at NBI Deputy Director Edmundo Arugay, 24-oras ang tra­baho ng kanyang mga ta­uhan upang hadlangan ang anu­mang balakin ng mga smugglers na makapagpa­lusot ng kanilang mga smuggled goods. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

ANTONIO VILLAR JR.

AYON

DEPUTY DIRECTOR EDMUNDO ARUGAY

EXECUTIVE ORDER

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with