^

Bansa

24-oras ultimatum para arestuhin si Bedol

-

Binigyan  ng  Commission on Elections (Comelec) ng 24-oras na ultimatum si Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) Police Regional Director Police Supt. Joel Goltiao upang arestuhin si dating Ma­guindanao Provincial Election Supervisor (PES) Atty. Lintang Bedol.

Nabatid sa  Comelec na Oktubre 22 pa nang ipalabas ng Comelec Law  Department ang warrant of arrest laban kay Bedol kaya’t hindi nila maintindihan kung bakit hanggang sa kasa­lukuyan ay bigo pa rin si Goltiao na arestuhin ito. 

Kung patuloy uma­nong mabibigo si Goltiao na sundin ang kanilang kautusan ay maaaring ipagharap din ito ng ka­song contempt.

Kumbinsido ang mga opisyal ng Comelec na hindi pa nakalalayo sa ARMM si Bedol kaya hindi mahihirapan sina Goltiao na dakpin ito.

Si Bedol ay pinatawan ng anim na buwang pag­kabilanggo ng Comelec sa kasong indirect contempt matapos na hindi siputin ang ginagawang hearing ng komisyon hinggil sa dayaan sa kan­yang nasasakupang lala­wigan. (Doris Franche)

AUTONOMOUS REGION

BEDOL

COMELEC

COMELEC LAW

DORIS FRANCHE

GOLTIAO

JOEL GOLTIAO

LINTANG BEDOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with