Posibleng pumalit kay Abalos inilantad ng Palasyo
Nagpadala na ang Malacañang sa Commission on election (COMELEC) ng listahan na siyang posibleng pumalit sa posisyon ng nagretirong si Comelec Chairman Benjamin Abalos.
Sa nabanggit na listahan ay kapansin-pansin na wala ang mga pangalan ng mga kasalukuyang Commissioners ng Comelec.
Kasama sa nabanggit na listahan ng Malacañang sina dating Senador Wigberto Tanada; Atty. Rene Saguisag; Atty. Rufus Rodriguez; Dean Amado Valdez; Atty. Allan Talaig; Atty. Howard Calleja at Sedero Maluenda.
Ang pagpapadala ng listahan ng Mala cañang sa Comelec ay upang makapaghain ito ng komento at bigyan ng pagkakataon ang mga opisyal nito na makapamili ng posibleng ipalit sa iniwang posisyon ni Abalos bilang Comelec Chairman.
Gayunman, pinaalalahanan ng Malacañang ang Comelec na dapat piliin ng mga ito ang isang opisyal na mayroong integridad, dignidad at karapat-dapat na maging pinuno ng Comelec.
Magugunita na si Abalos ay nagretiro matapos na masangkot ito sa kontrobersiyal na ZTE-National Broadband Network deal. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending