No work, no pay!
Nilinaw ng Department of Labor and Employment na special non-working holidays ang darating na November 1 at 2 kung kaya’t makakatanggap ang mga empleyado ng karagdagang 30 porsiyento sa kani lang sahod.
Pero may paalala rin si Labor Secretary Arturo Brion tungkol sa mga patakaran na ipinapatupad sa naturang nationwide non-workings days sa mga nabanggit na petsa.
Ito ay hindi halos naiintindihan ng maraming manggagawa.
Binanggit ni Brion na kung hindi umano nagtrabaho sa araw na ito ang mga empleyado, ipapatupad sa kanila ang “no work, no pay “policy maliban lamang kung mayroong tinatawag na favorable policy, practice o collective bargaining agreement (CBA) sa mga kompanya na magbabayad sa mga empleyado sa mga special day kahit hindi magreport sa trabaho ang mga ito.
Sakali namang magreport ang mga empleyado sa kanilang trabaho, babayaran ng mga employer ang kanilang mga em pleyado sa kanilang daily rate plus thirty percent sa unang walong oras ng kanilang pinagtrabaho. At kung lumagpas naman ng walong oras, idadagdag pa ang thirty percent ng kanilang orasang bayad.
Sakaling pumatak naman ito sa day off o araw ng pamamahinga ng empleyado at kanilang ipinasok sa trabaho, babayaran sila sa kanilang daily rate plus fifty percent sa unang walong oras ng kanilang ipinagtrabaho at kung lumagpas pa sa walong oras, idadagdag pa ang 30 percent sa kanilang orasang trabaho sa nabanggit na araw.
Sinabi ni Brion na ibinigay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang isang mahaba-habang bakasyon sa mga empleyado upang gunitain ng mga ito ang mga namatay nang mahal sa buhay at upang mas lumakas pa aniya ang turismo sa bansa.
Makakapagsagawa rin aniya ng mas magandang bakasyon ang pamilyang Filipino dahil sa mahabang holiday.
- Latest
- Trending