Nais ni Sen. Pia Cayetano na ilagay ang mga litrato na naglalarawan ng masamang epekto ng pagyoyosi sa tao bilang paalala na rin sa magiging kasasapitan nila kapag ipinagpatuloy ang bisyo ng paninigrilyo.
Sinabi ni Cayetano, chairman ng Senate committee on Health and Demography, ang paglagay ng mga ganitong uri ng larawan ay magsisilbing paalala sa mga naninigarilyo kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang katawan.
Ayon pa kay Cayetano, ipinapatupad na ito sa bansang Thailand at Singapore at nakalagay doon ang mga nabubulok na ngipin at ang epekto nito sa ating baga.
Bagaman ginagawa na ito ng mga local na pagawaan ng sigarilyo sa ating bansa, pero ito ay ang mga sigarilyo na binebenta sa ibang bansa dahil hindi naman ito nakalagay sa RA 9211 o Tobacco Regulation Act.
Tinukoy din ni Cayetano ang ulat ng World Health Organization (WHO) kung saan sinabi nito na 99% ng mga Pinoy ay hindi nagbago sa paninigarilyo at isinisisi ito sa kawalan ng impormasyon kung ano ang magiging epekto nito sa katawan ng tao. (Malou Escudero)