^

Bansa

Pardon sa Ninoy killers

- Ni Malou Escudero -

Matapos ang kontro­bersiyal na pagpapalaya kay dating Pangulong Joseph Estrada, bukas na rin ang Malacañang sa posibilidad na pag­bibigay ng pardon sa mga sun­dalong nahatu­lan dahil sa pagpaslang kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na handa ang gobyerno na pag-aralan ang posibi­lidad na pagpapalaya rin sa mga sundalong na­sangkot at nahatulan ng hukuman.

Ayon kay Bunye, iko­konsidera pa rin ang edad ng mga nakaku­long na sundalo na general rule sa pagbibigay ng pardon.

May 13 sundalo na ma­higit 70 anyos na ang nana­natiling nakakulong at patuloy na sinisilbi ang kanilang double life sentence sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Sila’y kinilalang sina Ramon Bautista, Pablo Martinez, Rodolfo Deso­long, Ernesto Marco, Rolando de Guzman, Ruben Mapano, Rogelio Moreno, Jesus Castro, Filimeno Miranda, Claro Bat, Arnulfo Artates, Ar­nul­fo de Mesa, Felizardo Taran at Mario Lazaga. 

Karamihan sa mga akusado ay may malub­hang sakit at kuwalipika­dong mabigyan ng Presidential pardon.

Ang pang-14 sundalo na si Cordova Estello ay namatay na matapos mapatay sa loob ng selda noong Disyembre 2005 dahil sa pakikipag-rambol umano sa kapwa preso.

Noong nakaraang taon sa pamamagitan ng gru­ pong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ay hum­i­ling ang mga sundalo kay Pa­ngulong Arroyo na pag­kalooban sila ng Presidential pardon dahil sila’y matatanda na at mahihina na.

Una nang inihayag ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi sila pabor sa pagbibigay ng pardon sa mga sun­dalo dahil hindi pa rin inaamin ng mga ito ang ka­nilang ginawa.

Naniniwala si Noy­noy na imposibleng walang kinalaman ang mga sundalo dahil mali­naw na “scripted” ang nangyaring pagpaslang sa kanyang ama.

vuukle comment

AQUINO JR.

ARNULFO ARTATES

BENIGNO

CLARO BAT

CORDOVA ESTELLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with