Matapos na magpahayag ng panawagan ang apat na Obispo upang bumaba sa kanyang puwesto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA), nilinaw ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi na mauulit pang muli ang pakikialam ng simbahan sa usaping ito.
Ayon kay Msgr. Pe dro Quitorio, ng CBCP, hindi na muling mauulit pa ang ginawang pagpapalabas nito ng pastoral statement noong 1986 kaugnay sa pagpapababa sa puwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos .
Gayunman, mananatili pa ring kritiko ang simbahang Katoliko ng sinumang tiwaling opisyal ng gobyerno at patuloy pa rin na magsisilbing gabay sa taumbayan.
Ipinaliwanag pa rin ni Quitorio na hindi magpapalabas ng anumang kautusan ang CBCP sa mga Obispo nito sa pagbibigay ng kanilang opinyon ngunit hindi naman umano manga ngahulugan na ito na ang opisyal na pahayag ng CBCP.
Una ng nagsalita ang apat na obispo ng CBCP kung saan hiniling ng mga ito na bumaba na sa puwesto si GMA dahil sa umano’y walang tigil na korapsiyon at kaguluhan sa bansa. (Grace dela Cruz)