^

Bansa

CBCP hindi makikialam

-

Matapos  na mag­pa­hayag ng panawa­gan ang apat na Obis­po upang bumaba sa kanyang pu­westo si Pangulong Gloria Ma­capagal Arroyo (GMA),   nilinaw  ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi na mauulit pang muli ang paki­ki­alam ng sim­bahan sa usaping ito.

Ayon kay Msgr. Pe­ dro Quitorio, ng CBCP, hindi na muling mauulit pa ang gi­na­wang pagpa­palabas nito ng pastoral statement noong 1986 ka­ugnay sa pagpapa­baba sa puwesto kay  dating Pangulong Fer­dinand Marcos .

Gayunman, mana­natili pa ring  kritiko ang sim­ba­hang Kato­liko ng sinu­mang tiwa­ling opisyal ng gob­yerno at patuloy pa rin na magsisilbing gabay sa taumbayan.

Ipinaliwanag pa rin ni Quitorio na hindi mag­papalabas ng anu­mang kautusan ang CBCP sa mga Obispo nito sa pag­bibigay ng kanilang opin­yon ngu­nit hindi naman umano manga­ ngahu­lu­gan na ito na ang opisyal na pahayag ng CBCP.

Una ng nagsalita ang apat na obispo ng CBCP kung saan hini­ling ng mga ito na bu­maba na sa puwesto si GMA dahil sa umano’y walang tigil na ko­rap­siyon at kagu­luhan sa bansa. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CRUZ

PANGULONG FER

PANGULONG GLORIA MA

QUITORIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with