^

Bansa

Shoppers dagsa pa rin sa mga mall

-

Sa kabila ng pakiki­simpatiya sa mga namatay sa pagsabog na naganap sa Glorietta Mall, tila hindi naman apektado ang ilang shoppers sa lungsod ng  Maynila dahil punumpuno pa rin ito ng mga namimili at namamasyal.

Kahapon ay magkasa­mang naglibot sa mga malalaking malls sa Pasig, Quezon City at Maynila si PNP chief Director Avelino Razon Jr. kasama sina AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. at  NCRPO chief Geary Ba­rias kung saan naobser­bahan na marami pa rin ang pumapasok at nami­mili at kaswal pa rin na tila walang anumang nangya­ring insidente sa  Glorietta. 

May 6,000 puwersa ng AFP at PNP ang ipapakalat sa Maynila para mag­bantay sa mga malls sa buong Metro Manila, LRT stations, simbahan, Pan­da­can oil depot at iba pang matataong lugar para magbantay. 

Sa kanyang paglilibot ay namahagi si Razon ng kanyang calling card sa publiko para sa mabilis na pagre-report ng krimen. (Doris Franche)

vuukle comment

CHIEF OF STAFF GEN

DIRECTOR AVELINO RAZON JR.

DORIS FRANCHE

GEARY BA

GLORIETTA MALL

MAYNILA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with