Oposisyon nagpaparamdam lang
Hindi na nasosorpresa ang Malacañang sa plano ng oposisyon na mapatalsik si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa panibagong impeachment complaint na planong ihain sa pagbubukas ng Kongreso sa susunod na buwan.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, hindi nakakapagtaka ang sinasabing
Aniya, parang gusto lamang iparamdam ng oposisyon sa tuwing magpaplano silang mapaalis si Mrs. Arroyo sa Malacanang na “present” pa rin sila.
“They want to make their presence felt pero it does not mean na totoo ang mga sinasabi nila,” wika pa ni Ermita.
Nagpaplano ang oposisyon na maghain ng isang mas malakas na impeachment complaint laban kay Mrs. Arroyo sa pagbubukas ng Kongreso sa susunod buwan kapag iniatras ni Atty. Roel Pulido ang kanyang naunang inihaing 3-pages na impeachment complaint na inendorso naman ni Laguna Rep. Edgar San Luis. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending