ALAGAD President nagpaliwanag sa party-list issue
Sinabi kahapon ni ALAGAD party-list President Diogenes Osabel na nagkamali ang kanyang partido sa pagnombra kay Rodante Marcoleta bilang Kinatawan ng nasabing partido sa nakalipas na Kongreso.
Sumulat sa PSN si Osabel upang aniya’y “ituwid” ang napalathalang balita sa PSN noong Oktubre 12 kaugnay ng pagkabigo ng Comelec na iproklama ang ilang kinatawan ng iba’t ibang nanalong party-list kasama na ang ALAGAD dahil hinihinalang “front” ng religious organizations.
Matinding pinasinungalingan ni Osabel na iginigiit niyang maipuwesto ang sarili bilang Representante kaya nabibinbin ang pag-upo ni Marcoleta. Ani Osabel si Marcoleta ay pinatalsik na ng executive committee ng ALAGAD dahil hindi na niya pinansin ang mga orihinal na opisyales at tumangging sumunod sa mga alituntunin at programa ng partido.
“Dahil na rin sa mabagal at kumplikadong proseso ng sistema, nabigo ang ALAGAD sa petisyon sa COMELEC na maalis agad si Marcoleta bilang Kinatawan sa Kongreso” ani Osabel. Gayunman, noong Hunyo 16, 2007 ibinasura ng First Division ng COMELEC ang nomination ni Marcoleta at kinilala si Osabel bilang nominee ng ALAGAD sa Mababang Kapulungan.
“
- Latest
- Trending