Iginiit kahapon ni Executive Secretary Eduardo Ermita na walang katotohanan ang napabalitang plano niyang magbitiw sa kanyang tungkulin at umalis sa Gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Sec. Ermita, gumagawa lamang ng intriga ang ilang sektor upang palabasin na nagkakawatak-watak na ang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo.
“Its not true. It’s part of another effort to sow intrigue. They want to try to show that the administration is having troubles,” wika pa ni Ermita sa Malacanang reporters.
Sinabi pa ng executive secretary, intact ang miyembro ng Gabinete ni Mrs. Arroyo matapos ang napaulat na umano’y pamumudmod ng cash gift sa mga local officials at kongresista na nakipag-almusal sa Pangulo noong Oktubre 11.
Idinagdag pa ni Ermita, iniutos na ng Pangulo sa Presidential Anti-Graft Commission ang pagsa sagawa ng imbestigasyon hinggil sa napaulat na kontrobersya kasabay ang apela na bigyan ng pagkakataon ang PAGC na magsagawa ng imbestigasyon upang malaman kung sino ang nasa likod ng pamumudmod ng cash gift at kung saan nanggaling ang nasabing salapi. (Rudy Andal)