Malaki ang panini wala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na alam at may basbas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nangyaring suhulan sa Malacañang matapos ang pagpupulong dito noong nakaraang linggo.
Ito naman ang binitiwang pahayag ni Pampanga Auxiliary Bishop Ambo David matapos na umamin ang dalawang gobernador na nakatanggap sila ng “cash gift” mula sa Malakanyang.
Ayon kay David, hindi dapat umanong gawing tanga ng administrasyon ang mga Filipino sa kanilang ginagawang anomalya dahil ang publiko ngayon ay mas mapagmasid sa galaw ng gobyerno.
Sinabi ni David na imposibleng hindi alam ni Arroyo ang nangyayari sa loob ng kanyang bahay dahil bilang naninirahan dito ay dapat alam niya ang bawat kilos ng kanyang mga kasamahan.
Aniya, lumilitaw pa umano na SOP ang bigayan. “Parang nakasanayan na, kapag nakasanayan mo ang bagay na hindi tama ay nagiging tama.”ani David.
Samantala, hinikayat din ni David sina Pampanga Governor Ed Panlilio at Bulacan Governor Mendoza na pangunahan ang pagmamartsa ng taumbayan sakay ng kanyang kariton upang isoli sa Malakanyang ang pera na ibinigay sa kanila.
Subalit malaking kuwesitiyon kay David kung sino ang tatanggap ng pera sakaling ibalik ito sa Malakanyang at kung wa lang tatanggap sa pera ay itapon papasok sa gate ng Malakanyang dahil doon naman umano ito nanggaling. (Doris Franche)