^

Bansa

‘Suhulan’ may basbas ni GMA — CBCP

-

Malaki ang  panini­ wala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na alam at may basbas ni Pangu­long Glo­ria Macapagal-Arroyo ang nangyaring suhulan sa Malacañang  matapos ang pagpu­pulong dito noong naka­raang linggo.

Ito naman ang  biniti­wang pahayag ni Pam­panga Auxiliary Bishop Ambo David matapos na   umamin ang dalawang gobernador  na nakatang­gap sila ng  “cash gift”  mula sa  Malakanyang.

Ayon kay David, hindi dapat umanong gawing tanga ng administrasyon ang  mga Filipino sa kani­lang ginagawang ano­mal­ya dahil ang  publiko nga­yon ay mas mapag­masid sa galaw ng gob­yerno.

Sinabi ni  David na imposibleng  hindi alam ni Arroyo ang nangyayari sa loob ng kanyang   bahay   dahil bilang  nani­nirahan dito ay dapat alam niya ang bawat kilos ng kan­yang  mga ka­samahan.

Aniya, lumilitaw  pa umano na SOP ang biga­yan. “Parang nakasana­yan na, kapag nakasa­nayan mo ang bagay na hindi tama ay nagiging tama.”ani David.

Samantala, hinikayat din ni David sina Pam­panga Governor Ed Pan­lilio at Bulacan Governor Mendoza na pangunahan ang pagmamartsa ng taumbayan sakay ng kanyang kariton upang isoli sa Malakanyang  ang pera na ibinigay  sa ka­nila.

Subalit malaking ku­wesitiyon kay David kung sino ang tatanggap ng  pera sakaling ibalik ito sa Malakanyang at kung wa­ lang tatanggap sa pera ay itapon papasok sa gate ng Malakanyang  dahil doon naman umano ito nang­galing. (Doris Fran­che)

AUXILIARY BISHOP AMBO DAVID

BULACAN GOVERNOR MENDOZA

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

MALAKANYANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with