^

Bansa

GMA hopeless na! – Nene

- Ni Malou Escudero -

Wala nang pag-asang maisalba pa ni Pangu­long Gloria Arroyo ang kan­yang sarili sa gitna nang mga kina­kasang­kutan niyang isyu lalo na ang nang­yaring panunuhol sa loob mismo ng Mala­cañang.

Ito ang sinabi kaha­pon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimen­tel Jr. sa Kapihan sa Senado ma­tapos ma­nawagan si Speaker Jose de Venecia na pangunahan ng Pa­ngulo ang moral revolution at itigil na ang ko­rupsiyon.

“Gloria is beyond redemption. She can’t be redeemed anymore. Mas­­yado nang malala ang kanyang involvement sa korupsiyon,”  sabi ni Pi­mentel.

Ang pagkakasangkot umano ni Arroyo sa ka­ti­ wa­lian ay sapat nang da­hilan para bumaba ito sa puwesto at gawing “caretaker” ng gobyerno si Vice-President Noli de Castro.

Sinabi pa ni Pimentel na dalawang taon na lamang ang natitira para sa susunod na presidential elections kaya hindi practical na magsagawa ng snap elections.

“Two years na lang presidential elections na so hindi practical na ma­nawagan ng snap elections, so tiisin na lang natin si Noli,” sabi ni Pimentel.

Naniniwala din si Pi­mentel na hindi naman maaaring maging mas corrupt pa kay Arroyo si de Castro.

Kung mauupong caretaker ng gobyerno si de Cas­tro, maipapakita rin umano nito na may ma­asa­han sa kanya ang taum­bayan.

Idinagdag din ni Pi­mentel na  imposibleng mangyari ang sinasabi ni de Venecia na moral revolution  na dapat umanong pangunahan ni Arroyo.

Sinabi ni Pimentel na napaka-imposible ng li­nisin ang katiwalian sa ka­salukuyang adminis­tras­yon, dahil sa ta­lamak na ang gina­gawang pa­ngu­ngurakot ng mga tauhan ng Pa­ngulo, na umabot pa mismo sa ba­kuran ng palasyo ang panunuhol.

Hindi rin naniniwala si Pimentel na seryoso si De Venecia sa panawa­gan nito na imposibleng mang­yari, dahil sa mis­mong mga miyembro ng Kamara ang halos kara­mihan sa mga tumang­gap ng suhol.

vuukle comment

DE VENECIA

GLORIA ARROYO

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMEN

SHY

SINABI

SPEAKER JOSE

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with