Gov. Panlilio pwedeng kasuhan-Saguisag
Maaaring sampahan ng kasong graft and corruption si Pampanga Governor Ed Panlilio kaugnay ng kontrobersyal na pagtanggap ng P500,000 cash gift mula sa palasyo ng Malacañang.
Ito ang inihayag kahapon sa isang ambush interview kay Atty. Rene Saguisag.
Sinabi ni Saguisag na si Panlilio ang dapat na unang kasuhan matapos na umaming tumanggap ng P500,000 cash gift mula sa palasyo ng Malacañang.
Si Saguisag, isang law expert ay nagsilbi ring abogado sa plunder case ng hinatulang guilty ng Sandiganbayan na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.
Binigyang diin ni Saguisag na ang pagtanggap umano ng isang nakaupong opisyal ng gobyerno ng regalo na may kaugnayan sa kaniyang puwesto ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ) at Presidential Decree 46 .
Bukod kay Panlilio, sinabi din ni Saguisag na maaari ring kasuhan sa ilalim ng mga nasabing batas si Bulacan Gov. Joselito Mendoza na umamin ding tumanggap ng kuwestiyonableng cash gifts. Sinasabing si
Samantalang nauna nang iginiit ni Panlilio na hindi umano niya batid na P500,000 ang laman ng envelope na iniabot sa kanya sa Palasyo na umano’y handa niyang isoli.
Sinasabing namudmod umano ang Palasyo ng P200,000.00 hanggang P500,000.00 cash gift upang huwag suportahan ang inihaing panibagong impeachment case laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo matapos na ipatawag sa Malacañang ang mga gobernador at Kongresista noong nakaraang linggo. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending