^

Bansa

Pamumudmod ng pera labag sa election ban

-

Ipinaalaala kahapon ni Sen. Francis Escu­dero na naparakaming batas ang nilabag ng Malacañang sa pamu­mudmod ng pera sa mga congressmen at mga lokal na  opisyal ng gob­ yerno at kabilang dito ang election ban na nagbaba­wal sa pamu­mudmod ng salapi.

“Election ban nga­yon, bawal mamigay ng pera, bawal mamigay ng pro­yekto at panghuli siguro kung magka­ka­roon ng su­hulan at bi­gayan bakit sa lahat ng lugar sa Ma­laca­ñang pa”, sabi ni Escu­ dero.

Sinabi pa ni Escu­dero na ginawa nang “basura­han” ang respe­tong ibini­bigay sa Ma­lacañang dahil nagiging ordinaryong ba­gay na at gawain ang suhu­lan sa nasabing lugar kung saan nakaupo ang pina­kamataas na opisyal ng bansa.

Ayon pa kay Escu­dero, kung matutuloy ang im­bes­tigasyon ng Senado ka­ugnay sa sinasabing su­hulan, dapat pa ring ki­lalanin ang inter-chamber courtesy kung saan hindi maaaring basta-basta na  lamang  ipata­wag ang mga kongre­sistang uma­min na nabig­yan sila ng salapi na naka­lagay sa isang paper bag. Hindi rin dapat gamitin ng Malacañang ang Executive Order 464 sakaling ipatawag si Medy Pobla­dor na nasa­bit na naman ang pa­nga­lan sa bigayan ng salapi.

Sinabi pa ni Escu­dero na mahalagang mai-preserve ang sina­sabing pera na ipina­mudmod ng Ma­laca­ñang dahil maa­ ari itong gamiting ebi­densiya laban sa nag­bigay nito.

Samantala, sa kabila nang pinaiiral na inter-parliamentary courtesy, hini­ kayat kahapon ni  Sen. Panfilo Lacson ang mga kongresistang na­katang­gap ng pera mula sa Ma­lacañang na bo­luntaryong humarap sa gagawing imbestigas­yon ng Senado patung­kol sa umano’y suhulang naganap.

Aminado si Lacson na walang ka­pang­yarihan ang Sena­do na i-compel ang mga Kongre­sista na du­malo sa imbestigasyon ng Kapulu­ngan dahil sa inter-parliamentary courtesy, pero welcome  aniya ang sinu­mang kongresista na nag­na­nais na mag­ bigay ng kanilang tes­timonya sa kontrober­siyang ito, po­sitibo man o negatibo ang ka­nilang ilalahad sa pag­dinig.

Maaari din naman uma­no sa halip na huma­rap sa pagdinig ay mag­bigay na lamang ng kani-kanilang sworn statement ang mga kongresista na  dumalo sa Malacañang meeting noong Miyer­kules. (Malou Escudero)

ESCU

EXECUTIVE ORDER

FRANCIS ESCU

MALACA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with