^

Bansa

QC pinakamayamang LGU sa Pilipinas- Kabayan

-

Pinangalanan kaha­pon ni Vice  President Noli ‘Kabayan’ De Cas­tro ang Quezon City bilang “richest local government unit”  (LGU)  sa bansa nga­yon.

Naging tagapagsa­lita si De Castro sa awarding ng Quezon City’s top tax payers sa Crown Plaza kung saan binanggit niya na ang success story ng lung­sod ay dahil sa magan­dang pamu­muno ni Mayor Sonny Belmonte at epektibong  tax collection.

Mula sa pagkaka­utang na P1 billion, sina­bi ni De Castro na na­ging pinaka- financially independent LGU ang Que­zon City sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Belmonte.

“Bilang isa ring ta­gapaglingkod sa ba­yan, ako ay huma­ha­nga sa naging pag-unlad ng Lungsod dahil sa ma­gandang pama­malakad ng mga pi­nuno nito. This city truly deserves a celebration,” sabi ni De Castro.

Dahil umano sa laki ng pondo ng lungsod, naging maayos din ang pagbibigay ng basic services at pagpapa­tayo ng mga infrastructures.

Aminado si De Cas­tro na hindi madali ang pro­blema kaugnay sa mga delingku­wen­teng tax­payers at pa­ngu­ngum­binsi sa ka­nila na mag­bayad ng tamang buwis. (Malou Escudero)

CROWN PLAZA

DE CAS

DE CASTRO

MALOU ESCUDERO

MAYOR BELMONTE

MAYOR SONNY BELMONTE

PRESIDENT NOLI

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with