Hindi umano dapat na tinanggap ni Pampanga Governor Ed Panlilio ang “cash gift” mula sa Malakanyang.
Ito naman ang naging pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz matapos na mabunyag na tumanggap ito ng P500,000 “cash gift” mula sa Palasyo.
Ayon kay Cruz, ang hindi pagtanggi ni Panlilio ay posibleng maging isang indikasyon ng Malacañang na ang sinuman ay maaaring bayaran.
Nauna rito, sinabi ni Panlilio na hinihingi niya ang paliwanag ng Malacañang upang malaman kung saan galing ang ipinamahaging pera.
Sinabi ni Cruz, na posibleng mabahiran ng intriga at maling pananaw ang serbisyong ibibigay ni Panlilio matapos natanggapin nito ang pera na sinasabing nakalaan sa pagbibigay serbisyo. (Doris Franche)