Party-list  hinaharang

Inakusahan kahapon ng Alagad Party-list group ang grupong Black and White Movement na “hu­mahadlang” sa pag-upo ng kanilang kinatawan na si incumbent Rep. Rodante Marcoleta.

Ayon kay Alagad Chairman Rudy Avila, ang Black and White movement ang masigasig na sumusuporta sa isang Diogenes Osabel na sinasabing dating pangulo ng ALAGAD Party-List pero pinatalsik sa puwesto noong Enero 24, 2004 ng National Council and Executive Committee dahil umano sa ibat-ibang uri ng katiwalian sa kanilang partido.

Sinabi ni Avila na nakatanggap sila ng impormasyon na ang B&WM ang nasa likod umano ng panggugulo ni Osabel sa ALAGAD para pigilin ang pag-upo sa Kongreso ni Marcoleta. (Mer Layson)

Show comments