Cuenca sinopla

Sinopla ng Korte Su­prema ang dating Mar­cos crony na si Rodolfo M. Cuenca sa pag­na­nais na muling makuha ang kon­trol sa Philippine National Construction Corp, ang dating nalu­ging Construction Development Corp of the Philippines.

Batay sa  37-pahi­nang desisyon ng Supreme Court second Division, pinagtibay nito ang hatol ng Court of Appeals noong Nob­yem­bre 29, 2000 na pumapabor sa desisyon ng Securities and Exchange Commission na nagdeklara sa mga government financial institutions bilang majority stockholders ng PNCC.

Iginiit ng Mataas na Hukuman sa pagbasura sa petisyon ni Cuenca na ang “February 23, 1983 Letter of Instruction No. 1295” na inisyu ni dating Pangulong Fer­dinand Marcos, hinggil sa pagli­lipat ng CDCP’s shares of stock sa mga obligasyon nito ay maari nang ipatu­pad, base sa mga ebi­ den­siya. (Ludy Bermudo)

Show comments