Cuenca sinopla
Sinopla ng Korte Suprema ang dating Marcos crony na si Rodolfo M. Cuenca sa pagnanais na muling makuha ang kontrol sa Philippine National Construction Corp, ang dating naluging Construction Development Corp of the
Batay sa 37-pahinang desisyon ng Supreme Court second Division, pinagtibay nito ang hatol ng Court of Appeals noong Nobyembre 29, 2000 na pumapabor sa desisyon ng Securities and Exchange Commission na nagdeklara sa mga government financial institutions bilang majority stockholders ng PNCC.
Iginiit ng Mataas na Hukuman sa pagbasura sa petisyon ni Cuenca na ang “February 23, 1983 Letter of Instruction No. 1295” na inisyu ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, hinggil sa paglilipat ng CDCP’s shares of stock sa mga obligasyon nito ay maari nang ipatupad, base sa mga ebi densiya. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending