Oposisyon boykot sa impeachment
Malamang na iboy kot ng mga oposisyong kongresista ang pagdinig na isasagawa ng justice committee ng House of Representatives sa umano’y huwad na impeachment complaint na isinampa ng pribadong abogadong si Roel Pulido laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“Maaaring iboykot ko at ng ilang miyembro ng minority ang pagdinig sa impeachment,” sabi kahapon ni Parañaque Rep. Roilo Golez na isa sa deputies ni Minority Leader Ronaldo
Sinabi ni Golez na may paniniwala silang magbibigay lang ito ng batik sa sinumang seseryoso sa naturang impeachment complaint.
Takdang simulan ng komite ang pagdinig sa pagbalik ng Kongreso sa sesyon sa susunod na buwan.
Sa halip na dumalo sa pagdinig, plano nina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at iba pang minority congressman na kuwestyunin sa Supreme Court ang ginawang pag-endorso sa komite ng naturang reklamo ni Pulido.
Ayon kay Rodriguez, labag sa Konstitusyon ang pag-refer ni Deputy Speaker Raul del Mar ng impeachment complaint dahil gawain ito ng Speaker ng House.
Naunang pinahintulutan ni Speaker Jose de Venecia si del Mar na isagawa ang referral makaraang umurong siya sa kaso dahil sa isinampang hiwalay na kaso na isinampa ni Pulido laban sa kanya sa ethics committee.
Ang naturang impeachment complaint ay umiinog sa naudlot na maanomalyang national broadband network contract ng pamahalaan sa ZTE Corp. ng
Gayunman, inireklamo ni Pulido si de Venecia at ang anak nitong si Joey dahil sa pagkakasangkot sa naturang proyekto.
Ang kumpanyang Amsterdam Holding Inc. na pag-aari ng batang de Venecia ang kabilang sa mga kumpanyang natalo sa bidding sa NBN project.
Gayunman, inireklamo ni Joey de Venecia na tinangka umano siyang suhulan ni dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos para umatras ang AHI sa bidding sa NBN. (Jess Diaz)
- Latest
- Trending