Taxi drivers na di nagsusukli ng tama lagot na
Sa harap ng nalalapit na Kapaskuhan kung saan inaasahang magiging in-demand ang mga taxi, isi nulong ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang panukalang magpapataw ng parusa sa mga tax drivers na tumatangging magbigay ng eksaktong sukli sa mga pasahero nito.
Sinabi ni Revilla na mas pinipili ng maraming commuters ang taxi bilang paraan ng transportasyon dahil sa pagiging komportable, kunsiderasyon sa oras o iba pang rason lalo na’t tuwing Kapaskuhan, pero madalas silang nabibiktima ng mga tiwaling drivers na hindi nagbibigay ng tamang sukli.
Maraming taxi drivers aniya ang komokolekta ng sobrang pamasahe mula sa mga pasahero nito kabilang ang mga balikbayans at turistang nasakay mula sa airport na madali nilang nabibiktima.
“Matatawag natin itong simpleng hold-up. Kapag hiningi ng pasahero ang eksaktong sukli, ang karaniwang sagot ay wala silang barya o unang biyahe pa lang nila. Kapag hindi na tayo kumilos, malamang na magpatuloy ang ganitong raket hanggang sa holiday season, “ani Revilla.
Bukod sa multa, suspindido ang driver pati na ang license to operate ng operator ng taxi. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending