^

Bansa

Comelec nag-mall tour

-

Nagsagawa ng mall tour ang Commission on Elections (Comelec) kahapon upang mas lalo pang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga botante kaugnay ng nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 29.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, nagtungo sa mga shopping malls sa  Eastern Metro Manila ang “public information teams” upang masagot ang ilang tanong ng mga botante na lalahok sa nalalapit na eleksiyon.

Kabilang sa mga pinuntahan ang  Robinson’s malls sa Metro East at Cainta. Isusunod naman nila sa kanilang plano ang SM malls sa Lunes.

Sinabi ni Jimenez na naisip nila ang pagtungo sa mga malls dahil ito ang kadalasang puntahan at pasyalan ng maraming tao.Aniya, dito ay maaaring tanungin ng sinuman ang mga Comelec employee at opisyal ukol sa nalalapit na halalan.

Pinaalalahanan naman ni Jimenez ang mga kandidato na sumunod sa regulasyon ng Comelec upang hindi masayang ang kanilang pagod sa paggawa ng kanilang mga campaign materials. (Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

COMELEC

DORIS FRANCHE

EASTERN METRO MANILA

JAMES JIMENEZ

JIMENEZ

METRO EAST

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with