Upang maiwasan ang pagkakasangkot sa pangongotong, simula kahapon ay pinagbawalan na ni Philip pine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon Jr. sa mga elemento ng PNP-Traffic Management Group na manghuli ng mga traffic violators.
Ayon kay Razon, magpopokus na lamang ang PNP-TMG sa pagsugpo ng kriminalidad tulad ng carnapping at carjacking.
Ang direktiba ay kasunod ng sumbong ng transport groups na kinokotongan umano sila ng mga pulis na nagmimintina sa daloy ng trapiko.
Kaugnay nito, payag naman ang mga bus operators na magpasakay ang PNP ng mga secret marshals sa mga bumibiyaheng bus para masawata ang kriminalidad partikular na ang holdapan.
Samantala, papalitan rin ng PNP ang pangalan ng TMG ng Highway Patrol Group.
Binigyang-diin pa ni Razon na determinado siyang maiangat ang imahe ng pulisya sa mata ng publiko kaya pagbubutihin nila ang pagseserbisyo sa mga tao. (Joy Cantos)