^

Bansa

Impeach GMA ‘inalmusal’ sa Palasyo ng mga kongresista

-

Mistulang nalipat ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Mendiola sa dami ng mga kongresistang nagpunta sa Malacañang para makipag-almusal kay Pangulong Arroyo, kahapon ng umaga.

Pero agad nilinaw ni Ilocos Norte Rep. Roquito Ablan na hindi loyalty check ang naganap sa Palasyo kundi para siguruhin lamang na matatapos nila sa tamang oras ang 2008 proposed national budget gayundin ang legislative agenda ng Pangulo.

May 189 kongresistang miyembro ng Lakas-NUCD at KAMPI ang nagtungo sa Palasyo upang makipag­pulong sa Pangulo.

Inamin naman ni Speaker Jose de Venecia na tinalakay nila ang impeachment sa gitna ng almusal, pero agad klinaro na hindi sila dinidiktahan ng Pangulo kung anong gagawin sa reklamong inihain ni Atty. Roel Pulido.

Magugunita na kamakalawa ay nakipagpulong din ang mga kongresista sa Pangulo na wala naman sa schedule ni Mrs. Arroyo pero itinanggi na may kinalaman ito sa inihaing ikatlong impeachment complaint laban sa Chief Executive. (Rudy Andal)

vuukle comment

CHIEF EXECUTIVE

ILOCOS NORTE REP

MABABANG KAPULUNGAN

MRS. ARROYO

PALASYO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROEL PULIDO

ROQUITO ABLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with