Comelec linisin!

Dapat paigtingin ang isasagawang reporma sa Commission on Elections (Comelec) para mag­karoon ng maayos, malinis at kredibol sa halalan sa bansa partikular sa nala­lapit sa barangay election.

Ito ang naging pahayag kahapon ni Louie Coral na siyang Secretary General ng Partylist Caucus ng Lakas NUCD.

Ayon kay Coral, ma­gulo at mistulang sarsuela ang ipinapatupad na sis­tema ng Comelec sa tuwing may eleksiyon na nagaganap sa bansa, na­tional man at lokal na ha­lalan.

Ang pahayag ay gi­nawa ni Coral bunsod ng papalapit na halalang pam­barangay subalit mayroon pang patuloy na nagaga­nap na kaguluhan sa iba’t ibang partylist na lumahok at nanalo nitong nakalipas na May 14, 2007 election.

Ilan sa mga partylist na dumanas ng masalimuot na suliranin sa Comelec ay ang BUHAY, CIBAC, ARC, BATAS at ALAGAD.

Ang BATAS partylist ay nanalo nitong nakalipas na halalan pero hindi pa naka­kaupo sa puwesto ang kani­lang nominado dahil kinuwestiyon na “front” lamang umano ito ng isang religious group.

Maging ang ALAGAD ay nanalo rin nitong na­kalipas na halalan pero hindi pa nakakaupo sa puwesto si incumbent Rep. Atty. Rodante Marcoleta dahil pilit pang sumisingit si Diogenes Osabel.

Si Osabel ay sinasa­bing dating National Presi­dent ng ALAGAD ngunit pinatalsik sa puwesto noong 2004 ng National Council and Executive Committee dahil uma­no sa katiwalian. 

Kaugnay pa rin ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Oktubre 29, nagdeklara ang Comelec ng nation­wide firearms ban mula Setyembre 29 hanggang Nobyembre 13, 2007 upang matiyak ang malinis, matapat at maayos na halalan.

Pinaalalahanan din ng Comelec na hindi maa­aring gumastos ng mahig­pit sa P3.00 bawat botante ang isang kandidato. Mag­sisimula ang kampanya mula Oktubre 19-27.

Show comments