^

Bansa

Pinoy na kinidnap sa Nigeria pinalaya

-

Matapos ang 13 araw na pagkakabihag, pinalaya na ang Pinoy electrician at kasama nitong Columbian na dinukot sa Nigeria.

Kinumpirma ni Claro Cristobal, DFA spokesman, ang pagpapalaya kay Albert Bacani Sr. at kasama nitong Columbian national. Ang dalawa ay inabandona ng kanilang mga kidnaper sa isang tulay sa Port Harcourt, Nigeria nitong Miyerkules dakong alas–5 ng umaga (alas-10 ng gabi sa Nigeria).

Sinabi ni Cristobal na maayos na ngayon ang kon­disyon ng dalawa at nasa kustodiya ng kani-kanilang employer habang sumasailalim sa full medical evaluation.

Inaayos na ng DFA ang mabilisang pag-uwi ni Bacani sa Pilipinas at ang paghahatid ng magandang balita sa pamilya nito.

Si Bacani ay dinukot nitong Setyembre 27 matapos salakayin ng mga armadong lalaki ang construction site na pinagtatrabahuhan nito sa Saipem, isang Italian petrochemical firm na nakabase sa Nigeria.  (Joy Cantos)

vuukle comment

ALBERT BACANI SR.

CLARO CRISTOBAL

COUNTRY

JOY CANTOS

PLACE

PORT HARCOURT

REGION

SI BACANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with