^

Bansa

P9 pasahe sa dyip, giit

- Ni Angie dela Cruz -

Ihihirit ng transport groups ang P9.00 minimum na pasahe sa mga pampasaherong dyip sa buong bansa bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo ka­makailan.

Ito ang napagkasun­duan sa isinagawang transport summit na pi­nangunahan ng 1-Utak at sinuportahan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Allianced of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Ma­kati Jeepney Operators and Drivers Association (MJODA), Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO), Pi­nangisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at Pasang Masda.

Sinabi ni Atty. Vigor Mendoza ng 1Utak, ma­tindi na ang epekto sa ka­nilang hanay ng patuloy na pagtaas ng halaga ng diesel at gasolina at pagtaas ng spare parts at bayarin sa mga ahensiya ng pamahalaan kaya ma­rapat lamang na maitaas ang singil nila sa pasahe sa dyip.

Nilinaw ni Mendoza na aabutin ng P9.00 ang kanilang hihingiing fare increase dahil ihihirit nila ang P1.50 taas sa pa­sahe sa P7.50 minimum fare na hinihingi noon.

Sa kasalukuyan, na­nanatiling P7.00 ang minimum na pasahe sa jeep dahil binawasan ng LTFRB ng 50 sentimos ang dating P7.50 minimum fare noong December 2006 bilang pa­maskong handog ng pamahalaan Arroyo sa mga commuters, pero hindi na ito naibalik sa P7.50.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Thomp­son Lantion na oras na matanggap ang pe­tisyon hinggil dito ay agad itong aaksiyunan ng LTFRB board.

vuukle comment

ALLIANCED OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

CHAIRMAN THOMP

DRIVERS ASSOCIATION

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

OPERATORS NATIONWIDE

PASANG MASDA

SHY

SINABI

VIGOR MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with