FG baka di dumalo sa Senate probe

Iginiit kahapon ng abugado ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo na posibleng hindi tanggapin ng Unang Ginoo ang imbitasyon ng Senado na dumalo ito sa pagdinig hinggil sa kontrobersyal na National Broadband Network deal sa darating na Oktubre 25.

Sinabi ni Atty. Ruy Rondain na, batay sa pahayag ng mga doctor ni Arroyo, pinayuhan itong huwag munang isalang ang sarili sa nasabing imbestigasyon dahil sa kanyang health condition matapos itong sumailalim sa triple-bypass operation sa St. Lukes Medical Center ilang buwan na ang nakakaraan.

Sinabi ni Rondain na maging ang laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay Marco Antonio Barera ay ipinagbawal ng mga dukltor na mapanood ng Unang Ginoo.  (Rudy Andal)

Show comments