^

Bansa

JDV at anak kinasuhan

-

Isang abogadong si Atty. Roberto Rafael Pulido ang nagsampa kahapon sa Ombudsman ng kasong katiwa­lian laban kay House Speaker Jose de Vene­cia at anak nitong si  Jose III (Joey) dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa kontrober­syal na national broadband network project.

Sinasabi ni Pulido sa kanyang reklamo na lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Speaker de Ve­ne­cia nang puma­gitna sa pag-aaward ng kon­trata sa pamahalaan.

Kabilang sa mga kumpanyang nagha­habol na makakuha sa kontrata ang Amster­dam Holding Inc. na pag-aari ng batang de Venecia pero naka­kuha sa proyekto ang ZTE Corp. ng China.  

Nakialam anya ang matandang de Venecia nang pangasiwaan niya ang pulong ng kanyang anak kay Transportation and Communication Sec­retary Leandro Men­doza.

Inakusahan din ni Pulido ang mag amang de Venecia na nagsab­watan upang mapa­bilis ang  bidding  at  ma­punta sa AHI ang NBN project.  (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

HOLDING INC

HOUSE SPEAKER JOSE

LEANDRO MEN

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with