^

Bansa

Paghahanda sa Barangay, SK polls hindi mababasura – Comelec

-

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi mababalewala ang isinasagawa nilang pag­ hahanda para sa naka­takdang halalan sa darating na Oktubre 29 sakaling matuloy ang panukalang ipagpaliban ito sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Com­ missioner Florentino Tuason, maaari pa rin na­mang gamitin sa susunod na halalan ang mga election paraphernalia na naipa-imprenta na nila.

Aniya, hindi naman naka-imprenta sa mga balota ang pangalan ng mga kandidato kaya pwede pa itong mapakinabangan ng Comelec sa ibang eleksyon sakaling maudlot ang nakatakdang halalan.

Gayunman, sinabi rin ni Tuason na nakakahinayang ang kanilang mga pagha­ handa kung hindi naman ito matutuloy.

Pero aniya, sakaling matuloy ang pagharang sa eleksyon, may mabuti rin umano itong maidudulot kahit papaano dahil mapa­pahaba pa ang kanilang paghahanda. 

Ayon kay Tuason, wala naman sanang magiging problema sa kanila kung  ipagpapaliban ang natu­rang eleksyon kung noon pa ay natalakay na ito.

Noong mga nakaraang buwan aniya ay nagka­kaisa ang mga opisyal ng Comelec na pumayag na sa postponement ng hala­lan lalo pa at katatapos nga lang ng 2007 national elections. Gayunman, sa mga pa­nahong ito aniya ay kum­pleto na halos ang kanilang  preparasyon. (Doris Franche)

AYON

COMELEC

COMELEC COM

DORIS FRANCHE

FLORENTINO TUASON

GAYUNMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with