^

Bansa

Transport summit vs oil price hike inilatag ng 1Utak

-

Magdaraos ng transport summit sa Miyerkules ang iba’t ibang lider ng transport groups mula sa iba’t ibang panig ng bansa na pangu­ ngunahan ng United Transport Koa­lisyon (1UTAK) bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo ka­makailan.

Kinumpirma ni 1UTAK chairman Atty. Vigor Men­doza na anu­mang araw ay inaasahan nilang darating ang mga inimbi­tahan nilang mga transport leaders mula sa Visayas at Mindanao upang lumahok sa ga­ganaping transport summit.

Ayon kay Mendoza, (7) pitong mahahalagang mga bagay ang tata­lakayin tulad ng pagpababa ng singilin sa Land Transportation Office (LTO) computer fee ng Strad­com Corporation, mag­karoon ng bulk selling ng diesel para sa mga pampasaherong dyip, mag­labas ng moratorium sa mga ordinansa ng Local Government Units (LGUs) sa mga terminal ng mga pampublikong sasakyan na kung saan ay ginagawang mandatory ang pagbaba­yad sa terminal fee ng mga drivers kahit hindi naman nila ito napapakinabangan.

Tatalakayin din ang mga polisiya ng MMDA ng mga U-Turn slot partikular sa ba­hagi ng C-5 road kung saan ay hu­ma­haba ang ruta ng mga pampa­sahe­rong dyip na nauuwi la­mang sa pag-aaksaya ng diesel sa kani­lang mga dyip.

Sinabi pa ni Mendoza na dapat ipatupad ng mas malawak ang LTFRB Mobile Bus sa mga mala­layong lugar tulad ng An­gono, Rizal kailangan pang pumunta ng mga PUVs operators sa Lipa City, Batangas upang mag­pakumpirma ng kani­lang prangkisa at pagka­raan ay babalik naman ng Angono, Rizal upang mag­parehistro ng kanilang sasakyan.

Pag-uusapan din ang Operator Violation Receipt (OVR) at Traffic Violation Receipt (TVR) na ipinaiiral sa Metro Manila na sa halip ay single ticketing na lamang. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LIPA CITY

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MENDOZA

METRO MANILA

MOBILE BUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with