Pacquiao, regalo ng Pinas sa world boxing – PGMA

Iginiit kahapon ni Pangulong Arroyo na ang tinaguriang “pam­bansang kamao” na si boxing champ Manny “Pacman” Pacquiao ang regalo ng bansa sa world of boxing.

Pahayag ito ng Pa­ngulo matapos talunin ni Pacman sa unanimous decision ang kanyang ka­labang si Mexican boxer Marco Antonio Barera sa ka­nilang mu­ling pagsa­sagupa para sa super featherweight title bout na ginanap sa Las Vegas, Nevada, USA.

“Filipino boxing great Manny Pacquiao once again buoyed the nation’s spirit with his excellent fighting form and indomitable spirit,” wika pa ni Mrs. Arroyo.

Habang nagaganap ang bakbakan nina Pac­ quiao at Barera ay nag­simba naman sa St. Jude Church kaha­pon ang Pangulo ka­sama ang kanyang apo na si Mikaela.

“Our pambansang kamao is the Philippines gift to the world of boxing. We join all Filipinos in celebrating his well-deserved victory,” dagdag pa ng Pa­ngulo. (Rudy Andal)

Show comments