‘Oust JDV’ suportado ng CBCP
Nagpahayag ng su porta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagang mapatalsik sa puwesto si House Speaker Jose de Venecia matapos na sumabog ang kontrobersiya sa $329.48 milyong ZTE-National Broadband Network deal.
Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, matagal nang nakaupo bilang House Speaker si de Venecia at nararapat lamang na bigyan naman nito ng pagkakataon ang ibang mambabatas na humawak sa nasabing posisyon.
Naniniwala si Archbishop Arguelles na maraming kongresista ang karapat-dapat na pumalit kay JDV.
Sinabi naman ni Lingayen Archbishop Oscar Cruz na bagama’t pabor siyang mapatalsik si de Venecia sa Kongreso, duda rin naman siya na papayag si Pangulong Arroyo.
Ani Cruz, napatuna yan na ang loyalty ni de Venecia sa administrasyon at marami na rin itong alam sa mga kalokohan ng pamahalaan.
“In the event de Venecia is ousted, the President loses,” ani Cruz. Patunay lamang ito na walang permanenteng kaibigan at kaaway pagdating sa pulitika.
Ang pagpapatalsik kay de Venecia ay bunsod ng pagbubulgar na ginawa ng anak nitong si Jose “Joey” de Venecia III na tinangka umanong suhulan ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos si dating NEDA director Romulo Neri ng P200 milyon upang palusutin ang nasabing deal. (Doris Franche)
- Latest
- Trending