JI bumanat! Bata patay, 36 sugatan
Isang bata ang namatay at 36 pa ang sugatan nang taniman ng bomba ng isang local recruit ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist group ang isang barbecue stand na tinatambayan ng mga estudyante sa Kidapawan City, Cotabato alas-7:10 ng gabi nitong Biyernes.
Ilang minuto ang lumipas, isa pang pagsabog ang sumabulat na itinanim rin sa tabi ng isang sasakyan sa harap ng
Kinilala ang nasawi na si Honey Mae Lozada, 10, ng Barangay Mateo, Kidapawan City. Sugatan rin ang kanyang 3-anyos na kapatid na lalaki.
Isinugod naman sa apat na ospital sa lungsod ang mga sugatan.
Agad ding natukoy ng Philippine National Police (PNP) na JI terrorist ang utak ng pambobomba sa pagkakasakote sa naarestong bomb expert na si George German, 27 anyos na itinuro ng ilang testigo na siyang nag-iwan ng sumabog na 60 millimeter improvised explosive device.
Lumilitaw na si German ay lokal na recruit ng JI na naatasang magsagawa ng test mission sa pamamagitan ng pambobomba.
Personal namang nagtungo kahapon sa Kidapawan City si PNP Chief Director Gen. Avelino Razon para inspeksyunin ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog.
Inalerto na ni Razon ang puwersa ng pulisya sa buong bansa na mahigpit na magbantay sa posible pang paghahasik ng terorismo ng JI terrorist.
“Nagbilin tayo na masusing imbestigahan ang nangyari at mag-implement ng strict measures to prevent the occurrence of the incident sa ibang lugar, di lang sa
Magugunita na nitong Hunyo ay nagbabala ang US Embassy sa mga mamamayan nito na iwasan munang magtungo sa Kidapawan City at Makilala, Cotabato sa Central Mindanao matapos na makatanggap ng intelligence report na may balak ang mga terorista na magpasabog ng bomba sa public market at mga bus terminal.
Nito lang Enero, dalawang bystander ang nasugatan matapos pasabugin ang isang bomba sa police outpost ng Kidapawan City.
Noong Oktubre 2006 naman ay nagkaroon rin ng pambobomba sa Makilala, Cotabato na ikinasawi ng walo katao habang 22 ang nasugatan.
- Latest
- Trending