^

Bansa

Barangay, SK elections tuloy!

-

Mistulang napahiya ang Malacanang matapos dedmahin ng Senado ang inihain nitong “urgent bill” na humihiling na ipagpa­liban ang halalan ng Ba­rangay at Sangguniang Kabataan ngayong Oktu­bre 29.

Ayon kay Senate Pres­ident Manny Villar, wala nang tsansa pang maka­lusot ang panukala dahil sa posibleng mahirapan na ang Senado na maka­kuha ng sapat na bilang ng senador para makabuo ng quorum sa susunod na linggo.

Ang Kongreso ay magre-recess sa darating na Oktubre 13 at magre-resume ito sa darating na Nobyembre 5. 

Sa nalalabing tatlong araw na sesyon bago ang recess ng Kongreso, po­ sibleng hindi na ito mata­lakay sa Senado dahil karamihan sa mga Senador ay magtutungo sa Geneva, Switzerland sa Lunes para dumalo sa Inter-Parliamentary Conference (IPU) na taunang ginaganap at dinadaluhan ng mga mam­babatas sa iba’t-ibang bansa.

Nagkakaisa rin ang mga Senador na dapat lamang na matuloy ang  nakatakdang eleksyon ngayong buwan dahil “overstaying” na ang mga opisyal ng iba’t ibang barangay sa bansa.

Wika naman ni Comelec acting Chairman Resurreccion Borra na tuloy ang halalan sa darating na Oktubre 29 hanggat wala pang batas na naaapru­bahan ang dalawang ka­pulungan ng Kongreso para ipag­pa­liban ito.

Bagaman at inapruba­han na sa House of Representatives ang “urgent” bill ni Pangulong Arroyo, hindi pa naman ito lumulu­sot sa Senado kaya hindi pa maituturing na isang batas.

Maaari lamang aniya ang postponement ng eleksyon kung aprubado na sa House at Senate ang nais ng Palasyo na ipag­paliban ang kambal na ha­lalan.  (Malou Es­cudero)

ANG KONGRESO

CHAIRMAN RESURRECCION BORRA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INTER-PARLIAMENTARY CONFERENCE

KONGRESO

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with