‘War’ sa Senado

Namumuo ang hid­waan sa pagitan ng mga senador matapos haya­gang tutulan at tuligsain nina Sens. Juan Ponce Enrile at Joker Arroyo ang planog ituloy ang Senate probe sa ZTE brodband deal na tuluyan nang ki­nansela ng admi­ nistras­yong Arroyo.

Ayon kina Enrile at Arroyo, wala nang dahilan na ituloy ang pagsisiyasat sa kontratang tuluyan nang pinawalang-bisa. Ani Enrile, kung sino man ang may hawak ng ebidensiya na magdadawit kanino man sa sinasabing ano­malya, da­pat sa piskalya at hukuman na isampa ang kaso.

Gusto nang itigil ng mga senador ang imbesti­gasyon sa proyekto ng ZTE Corp. ng China para sa isang National Broad­band Network (NBN) matapos “patayin” ng Mala­cañang ang naturang ka­sunduan at magbitiw si Comelec Chairman Ben­jamin Abalos.

Plano kasi ng Senate Blue Ribbon Committee na ituloy pa ang pag-uungkat sa patay nang isyu kahit wala ng session ang Kon­greso.

Binatikos din ni Enrile ang plano ng Blue Ribbon na ipatawag si First Gen­tleman Mike Arroyo sa patuloy na imbestigastyon nito sa ZTE dahil wala na­mang matibay na ebiden­siya na magpapakitang sangkot ito sa anumang iregularidad na konektado sa kinanselang kontrata.

Si Arroyo naman ay nagpahayag na panahon na para gumawa na lang ng committee report ang tatlong komite na nag-iim­bestiga rito. 

Matatandaang inamin ni Joey de Venecia na wala siyang ebidensiya para ikonekta si First Gentleman sa anumang anomalya sa ZTE.

Kung si dating NEDA director Romulo Neri na­man ang ipapatawag, wala na ring puwede pang ma­itanong dito dahil kanse­lado na ang kontrata.

Nauna rito, inihayag ni Sen.Alan Peter Cayetano, chairman ng Blue Ribbon na itutuloy pa in ang im­bestigasyon sa ZTE con­tract kahit kanselado na ang kasunduan.  (May ulat ni Malou Escudero)

Show comments