JDV suportado sa House
Patuloy na sumusuporta kay Speaker Jose de Venecia ang iba’t ibang partido pulitikal na naghalal sa kanya sa ika-limang pagkakataon bilang lider ng 240-member chamber, ayon sa sernior leaders ng House Majority Coalition.
Ang pahayag ay kasunod ng mga ulat na may tangkang patalsikin sa puwesto si de Venecia kaya dapat itong mag-ingat.
“Speaker de Venecia has enjoyed the undiminished support and full cooperation of the Majority Coalition since his election in July,” wika ni Majority Leader Arthur Defensor.
Ayon kay Defensor, ang pakana laban kay de Venecia ay isa lamang taktika para ilihis ang Kamara sa mas importanteng tungkulin nito gaya ng pag-apruba ng 2008 General Appropriations Act at panukala sa murang gamot bago mag-recess ang Congress sa October 13.
“We see no compelling reason why this support and cooperation should change. The fact remains that Speaker de Venecia is best to lead this institution to enact the wide-ranging reforms sought by the Majority Coalition,” sabi pa ni Defensor. Una nang ipinangako ni de Venecia na ipapasa ang dalawang nabanggit na panukala bago magbakasyon ang Kongreso.
“We remain sharply focused on our legislative priorities. This is the commitment of the House leadership and of the Majority Coalition,” dagdag pa ni Defensor. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending