^

Bansa

ZTE deal kanselado na, NBN, Cyber Ed tuloy!

-

Iginiit kahapon ng Malacañang na ang ki­nansela ni Pangulong Arroyo ay ang deal sa ZTE Corp. at hindi ang National Broadband Network (NBN) project.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Er­mita, posibleng ituloy pa rin ng gobyerno ang NBN project subalit hindi na sa ZTE Corp. kundi sa ibang bansa na pwedeng mag­pautang sa atin ng pondo para sa nasabing pro­yekto.

“The higher objective set for undertaking such a project, kung hindi man ZTE, siguro makahaha­nap ng pamamaraan na similar project na ma-achieve ‘yang objective na ‘yan,” paliwanag pa ni  Ermita. 

Aniya, ipinauubaya na lamang ng Malacanang sa tanggapan ng Ombudsman ang pag-iim­bestiga hinggil sa sina­sabing “suhulan” sa $329 milyong NBN-ZTE contract.

Nilinaw pa ni Ermita na tanging ang ZTE contract para sa NBN project ang tuluyang kinansela ng Pangulo subalit hindi ang P26 bilyong Cyber Education project ng Department of Education na nakatakdang pondohan din ng Chinese government.

Magugunita na tulu­yang kinansela ni Pangu­long Arroyo ang kontrata ng ZTE Corp. para sa NBN project matapos itong makipagpulong kay Chinese President Hu Jintao kamakalawa sa Shanghai, China. (Rudy Andal)

vuukle comment

CHINESE PRESIDENT HU JINTAO

CYBER EDUCATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

NATIONAL BROADBAND NETWORK

PANGULONG ARROYO

PROJECT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with