Ineng lumakas, bumilis

Bumilis at lalo pang lumakas ang bagyong Ineng habang hindi nati­tinag sa kanyang posis­yon at patuloy na nagba­bantang manalasa sa Northern Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), si Ineng ay namataan sa layong 740 kilometro silangan ng Northern Luzon taglay ang pinakamalakas na hanging 120 kilometro bawat oras at may pag­bugso hanggang 150 kilometro bawat oras at patuloy na kumikilos sa bilis na 9 kilometro bawat oras.

Bagama’t hindi ina­asahan na ito’y tatama sa kalupaan ay patuloy na­man itong palalakasin ng hanging habagat na nagdudulot ng malakas na hangin sa ilang bahagi ng bansa partikular sa kanlurang bahagi. Bun­sod nito, inaasahan na sa susunod na dalawa hang­gang tatlong araw ay ma­giging maulan sa bansa.

Patuloy na pinapa­yuhan ng Pagasa ang mga nakatira sa mga baybaying-dagat sa posi­bleng pagkakaroon ng storm surge o malalaking alon; mababang lugar at malapit sa paanan ng bundok na maging ma­ingat sa posibleng pag­kakaroon ng flashfloods at landslides (Angie dela Cruz)

Show comments