Ineng lumakas, bumilis
Bumilis at lalo pang lumakas ang bagyong Ineng habang hindi natitinag sa kanyang posisyon at patuloy na nagbabantang manalasa sa
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), si Ineng ay namataan sa layong 740 kilometro silangan ng Northern Luzon taglay ang pinakamalakas na hanging 120 kilometro bawat oras at may pagbugso hanggang 150 kilometro bawat oras at patuloy na kumikilos sa bilis na 9 kilometro bawat oras.
Bagama’t hindi inaasahan na ito’y tatama sa kalupaan ay patuloy naman itong palalakasin ng hanging habagat na nagdudulot ng malakas na hangin sa ilang bahagi ng bansa partikular sa kanlurang bahagi. Bunsod nito, inaasahan na sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay magiging maulan sa bansa.
Patuloy na pinapayuhan ng Pagasa ang mga nakatira sa mga baybaying-dagat sa posibleng pagkakaroon ng storm surge o malalaking alon; mababang lugar at malapit sa paanan ng bundok na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending