^

Bansa

M’cañang di maglalagay ng kapalit ni Abalos

-

Walang balak si Pa­ngulong Arroyo na mag­talaga ng magiging kapalit ng nagbitiw na si Comelec chairman Benjamin Aba­los.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Er­mita, ang payo ng mga legal advisers ng Mala­cañang kay Pangulong Arroyo ay mas makaka­buting maglagay na la­mang ng magiging kapalit ni Abalos sa Pebrero 2008.

Aniya, kung magla­lagay ngayon si PGMA ng kapalit ni Abalos ay mag­sisilbi lamang ito ng ilang buwan dahil tatapusin lamang nito ang nala­labing termino ng nagbitiw na Comelec chairman.

Wika pa ni Ermita, sa ilalim din ng ating Kons­titusyon ay hindi maaaring magtalaga sa ngayon ang Pangulo ng magiging kapalit ni Abalos sa Comelec dahil nasa ses­yon pa ang Kongreso at maaari lamang siyang magtalaga ng papalit kay Abalos kapag nag-recess na ang Kongreso.

Sa ngayon kasi ay lima pa naman ang na­titirang commissioners ng Comelec kahit nagbitiw si Abalos kaya mayroon naman silang quorum, paliwanag pa ng executive secretary.

Sa Pebrero 2008 ay aabot na sa apat na mi­yem­bro ng Comelec ang dapat italaga ng Pa­ngulo dahil nakatakdang magre­tiro si Commissioner Resurrecion Borra na acting chairman nga­yon. (Rudy Andal)

ABALOS

BENJAMIN ABA

COMELEC

COMMISSIONER RESURRECION BORRA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

KONGRESO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with