Pabibilisin at palalaganapin ng bagong upong si Philippine National Police Chief Deputy Director General Avelino Razon Jr ang serbisyo ng binansagang nitong mga “Mamang Pulis” sa mga lansangan sa bansa.
Sa kaniyang talumpati sa Camp Crame matapos na pormal na isalin ng nagretirong si ret. Gen. Oscar Calderon ang kapangyarihan kay Razon, sinabi nito na ibig niyang ilapit ang kapulisan sa puso ng mamamayan sa pamamagitan ng epektibong serbisyo publiko.
“Gusto kong maramdaman ng bawat lalake, babae at bata sa mga lansangan na ligtas sila dahil nandyan lang sa kanto ang Mamang Pulis,” sabi ni Razon. (Joy Cantos)