Routine check-up lang

Nilinaw kahapon ng Malacanang na routine check-up lamang ang pagpunta ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo sa Asian Hospital sa Alabang kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Presidential Security Group Com­mander Gen. Romeo Prestoza, walang dapat ikabahala ang publiko hinggil sa kalusugan ni Pangulong Arroyo dahil routine check-up lamang ang pagtungo nito sa pagamutan kama­kalawa ng gabi.

Matagal na anyang nakaiskedyul ang check-up ng Pangulo subalit dahil sa sobrang hectic ng schedule nito ay kamakalawa lamang ng gabi nagkaroon ng pagkakataon si Mrs. Arroyo. (Rudy Andal)

Show comments