^

Bansa

Pinoy kinidnap sa Nigeria

-

Isang Pinoy chief electrician ang kinidnap ng mga armadong lalaki sa Nigeria noong Huwebes ng gabi.

Gayunman, tumanggi muna si Foreign Affairs Undersec. for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos Jr. na tukuyin ang pangalan ng biktima habang hindi pa naiimpormahan ang pamilya nito.

Ang Pinoy na sinasabing nagtratrabaho sa isang Italian company sa Nigeria ay dinukot kasama ang ilan pang katao sa Port Harcourt.

Nabatid na sa kabila ng ban o pagbabawal ng pamahalaan sa pagtratrabaho ng mga Pinoy sa Nigeria  ay patuloy pa rin ang pagpuslit ng mga ito sa nasabing bansa.

Nananatili naman ang pagpapairal sa boluntaryong repatriation ng mga OFWs sa Nigeria upang maiwasang mabiktima ang mga ito ng kidnapping doon kung saan  target ng mga militants ay mga dayuhan.

Magugunita na noong Enero 22 ay dinukot rin ng mga militante doon ang 24 Pinoy seamen sa Warri na nasasakupan ng Niger Delta na pinalaya matapos ang halos isang buwang pagkakabihag. (Joy Cantos)

ANG PINOY

COUNTRY

FOREIGN AFFAIRS UNDERSEC

ISANG PINOY

JOY CANTOS

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with